Sunday, February 1, 2009

MATAGUMPAY NA FEEDING PROGRAM

Bakas na ang sigla ng 54 na batang sumailalim sa isinagawang 2-month feeding program ng
GBI-San Pablo City Chapter sa mga malnourished children ng Brgy. San Pedro Elementary School at kapansin-pansin ang positibong resulta ng pag taas ng timbang
ng mga ito..

Inilunsad ang programa nuong Disyembre at natapos nuong Enero 28 2009 sa patnubay
ni GBI - Chapter President Bernie " WildRose" Ramos kasama ang ilang miembro ng Kapatiran at gayun din ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni Gng. Raine P. Ramos...

Nasa larawan kasama ng mga bata mula sa gitna sina Punong Guro Gng. Raine P. Ramos, GBI Vice-Pres ( Operation ) Bernie " Fox " Perez, MG " Arjay " Biglete, sa dulong kaliwa naman sina Barangay Kagawad Guillermo Almario , MG Melvin " Arius " Pasco at MG Sergio " Sergs " Reyes. Kasama pa rin at umaagapay upang maisakatuparan ang programa ay si GBI Vice-President for Admin Rene " Mater " Brion at ipinababatid ang taos pusong pasasalamat sa ibinigay na suporta nina 3rd District Board Member FGGF Rey " Hunter " Paras ganun din kay FGGF Oca Buencillo. (fox2009)

No comments:

Post a Comment